^

Police Metro

DepEd palalakasin ang online sumbungan ng mga inaabusong estudyante

Angie dela Cruz - Pang-masa
DepEd palalakasin ang online sumbungan ng mga inaabusong estudyante
Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Upang lalo pang mapalakas ang bagong tatag na online platform ng Department of Education (DepEd) na siyang sumbungan ng mga estudyanteng inaabuso ay makikipagtulungan ang ahensiya sa iba’t ibang sector.

 Ayon kay Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, kukunin nila ang suporta ng lider ng mga barangay, civil society partner at child protection advocate para sa kanilang Learners TeleSafe Contact Center Helpline.

Anya, sa ganitong paraan ay higit pa nilang mapapahusay ang mekanismo ng programa at mas magkakaroon ng magandang referral system.

Sinabi ni Duterte na titiyakin nila ang “safe environment” sa mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Sa mga may reklamo, hinihikayat ng DepEd na makipag-ugnayan sa kanilang email sa [email protected] Website: www.deped.gov.ph/learner-rights-and-protection-office/ Social media: DepEd Learner Rights and Protection Office Telephone lines: (02) 8637-2306, (02) 8632-1372 SMS: 09451759777.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with