^

Police Metro

P10K ayuda sa mahihirap na Pinoy gawing realidad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Gawing realidad ang pagbibigay ng P10,000 ayuda sa nasa 12.4 mil­yong mahihirap na Pinoy.

Ito ang naging apela ng Makabayan bloc solon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kung ang P10K ay “meme” lamang para sa mga nakaririwasa para sa mahihirap na pamilyang Pilipino ay malaking bagay ito sa gitna na rin ng tuma­taas na inflation kung saan sobrang mahal ng mga bilihin.

Bukod dito, sinabi ng mga militanteng mambabatas na nakadagdag pa sa bina­balikat ng mga maralita ay ang serye ng mga bagyo na sumira at nakaapekto sa kanilang mga kabuhayan.

Sina Gabriela Womens Partylist Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Party­list Rep. Raoul Manuel at Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ay naghain ng House Joint Resolution­ (HJR) No. 13 na hu­mi­hi­­­kayat kay Pangulong­ Marcos na agarang iimple­menta  ang P10K cash subsidy o ayuda sa tinatayang 12.4 mahihirap na pamilyang Pinoy.

Anya, sa gitna ng sob­rang mahal ng mga bilihin ay hirap na  ang ‘purcha­sing power’ ng mga mahihirap na Pilipino na maliit na ang kinikita.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with