^

Police Metro

Traslacion 2023, ‘di pa rin puwede

Danilo Garcia - Pang-masa
Traslacion 2023, âdi pa rin puwede
The annual procession of the Black Nazarene is set on its feast day, January 9
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi pa rin papayagan ang ‘Traslacion’ sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa darating na Enero ng susunod na taon.

Kinumpirma ito kaha­pon ni Quiapo Church priest Fr. Earl Allyson Valdez sa isang radio interview.

“Simple reason, kini­kilala po natin ang Tras­lación ay hindi lang simpleng fiesta subalit ito ay isang pambansang kaga­napan. Unang-una po, alam natin na iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ay pupunta rito,” pahayag ng pari.

Sa desisyon ng mga opisyal ng simbahan ng Quiapo, bukod sa banta ng virus lalo na at nagsusulputan ang mga bagong subvariants, mahigpit din nilang ikinukonsidera ang kalusugan at kaligtasan ng mga nakatatanda at mga indibidwal na may comor­bidities na mas higpit na nanganganib sa inaasahang matinding siksikan.

Ito na ang ikatlong taon na hindi masisilayan ang Traslacion mula nang unang­ masuspinde ito noong 2021 nang pumutok ang pan­demya.

Tiniyak naman ni Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez na lahat ng ibang aktibidad ng Itim na Nazareno ay matutuloy kabilang ang sikat rin na “Pahalik” sa Quirino Grandstand.

Magbibigay rin ng kada oras na misa sa Quiapo church mula alas-12 ng hatinggabi ng Enero 9, na pangungunahan mismo ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula. Mayroon ding “hourly mass” sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon para sa naturang selebrasyon.

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with