^

Police Metro

PDEA agent, ‘tulak’ todas sa shootout!

Mer Layson - Pang-masa
PDEA agent, �tulak� todas sa shootout!
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang nagsilbing poseur buyer na tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at target na tulak ng droga matapos na mauwi sa shootout ang ikinasang buy-bust operation sa Pampanga, kamakalawa.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang PDEA agent na si Daniel Discaya, nakatalaga sa PDEA-Regional Office III sa Pampanga sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang bulagta rin ang suspek na si Buna S. Angnie alyas “Noim M. Daracab”.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang shootout sa Brgy. San Francisco, Mabalacat City.

Si Discaya ang nagsilbing poseur buyer at nagtangkang bumili ng ilegal na droga mula sa suspek. Gayunman, sa kasagsagan ng transaks­yon ay nakahalata umano ang suspek na alagad ng batas ang kanyang ka-deal kaya’t nanlaban ito at nauwi sa engkuwentro na nagresulta sa kamatayan ng dalawa.

Narekober ng mga otoridad mula sa suspek ang isang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000, P1,000 cash, boodle money na ginamit na buy-bust  at isang kalibre .45 na pistola. — Joy Cantos

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with