^

Police Metro

5 todas sa Sultan Kudarat police shootout

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang limang katao nang manlaban umano sa mga pulis na magsasa­gawa ng pag-aresto sa isa sa napatay sa kasong droga  noong Martes sa Lamba­yong, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Brig. Gen. Jamili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, ang mga napatay na sina Adhen Salbo; Razul Luyugan Dalandang; Ivan Kilapan Macmod, Nasrudin Banto Abdilla at Sadam Mamadtud Abdul.

Ayon kay Macaraeg na nagkaroon ng engkuwentro nang pagbaba­rilin­ ng limang suspek ang pulis na patungo sa kanilang hideout sa Sitio­ Mapa­yag, Barangay Pim­balayan ng nasabing bayan.

Sa hideout ng mga suspek ay nakumpiska ang nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000; mga baril, shotgun, 2 kalibre 45 pistol at .45 Ingram machine pistol at M16 assault rifle.

Nabatid na nagtungo­ ang mga pulis sa lugar upang arestuhin si Salbo dahil sa may nakabinbing kasong droga.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with