^

Police Metro

Blended learning hahatulan ng Gabinete

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na pinag-uusapan na ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung ipagpapatuloy pa rin ang blended learning sa elementarya at high school pagsapit ng Nobyembre.

“Sa ngayon ay mayroon pa pong discussions at the Cabinet level kung bibigyan pa rin ba ng options ang mga schools with regard to kung anong klaseng distance learning or mag-i-implement ba sila ng blended learning,” wika ni Duterte sa isang aktibidad sa Mandaluyong City.

Ayon sa Bise Presidente­, mayroon na silang bina­langkas na report na isusu­mite kay Pangulong Marcos upang desisyunan nito kung ano ang mga ibibigay na opsyon sa mga eskuwelahan.

Matatandaang inatasan na ng DepEd ang mga eskuwelahan na paghandaan ang full face-to-face classes simula Nobyembre 2, pero ayon kay Marcos, posibleng ituloy ang blen­ded learning sa ilang piling lugar.

Pagdating naman sa isyu hinggil sa mga iniulat na may kaso na ng COVID-19 sa ilang paaralan­, sinabi ni Duterte na ang mga impeksiyon ay naita­tala rin naman sa iba pang nagbukas na establisim­yento at hindi lamang sa mga educational institutions.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with