^

Police Metro

Bilang ng Pinoy workers sa POGO tumaas — BIR

Malou Escudero - Pang-masa
Bilang ng Pinoy workers sa POGO tumaas â BIR
Ito ang ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue, isa sa maraming ahensyang­ inimbitahan sa pagdinig ng Senate committee on ways and means sa economic cost at pakinabang ng POGO operation sa bansa.
Vallery Hache / AFP

MANILA, Philippines — Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming­ operator sa pagitan ng 2020 at 2022.

Ito ang ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue, isa sa maraming ahensyang­ inimbitahan sa pagdinig ng Senate committee on ways and means sa economic cost at pakinabang ng POGO operation sa bansa.

Nakasentro sa peace and order situation ang pagdinig ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, pero ayon kay Sen. Sherwin Gat­chalian, pinuno ng ways and means panel, na­katutok siya sa epekto sa ekonomiya at kontribusyon ng mga POGO sa bansa.

Sa datos na ibinahagi ni BIR Director Sixto Dy Jr., mayroong 16,736 mang­gagawang Pilipino na nag­tatrabaho sa mga lisensyadong POGO noong 2022; mula 15,745 noong 2021 at 13,991 noong 2020.

Samantalang ang bilang­ ng mga dayuhang mangga­gawa ng POGO ay bumaba mula 28,394 noong 2020 hanggang 14,838 noong 2021, bago muling umak­yat sa 17,509 noong 2022.

Kaugnay sa porsyento ng mga manggagawa ng POGO, ang mga Pilipino ay bumubuo ng 48.87% ng lahat ng mga manggagawang nagtatrabaho sa industriya noong 2022.

Noong 2021, ang mga Pilipino ay umabot sa 51.48 porsiyento ng lahat ng manggagawa sa POGO, habang noong 2020 ang bilang ay 32.98 porsi­yento.

Sinabi ni Dy na ang datos na ibinigay ng Bureau of Local Employment ay nagpapakita na mayroong unti-unting pagtaas ng mga manggagawang Pilipino kumpara sa mga dayuhang nagtatrabaho sa industriya ng POGO. Mula aniya sa 14.19% lamang sa taong 2019, ang mga Pilipino ay kasaluku­yang bumubuo ng 48.87% ng kabuuang lakas ng trabaho sa industriya.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with