^

Police Metro

DSWD nagbigay ng ayuda sa pamilya ng 5 rescuers ng Bulacan

Angie dela Cruz - Pang-masa
DSWD nagbigay ng ayuda sa pamilya ng 5 rescuers ng Bulacan
Si DSWD Sec. Erwin Tulfo (ikatlo mula sa kaliwa) kasama ang mga opisyal ng Ayala Foundation Inc. sa turnover ceremony ng cash aid para sa pamilya ng Bulacan fallen rescuers, sa DSWD Central Office sa Quezon City kahapon.

MANILA, Philippines — Bilang pagpugay sa kabayanihang ginawa ay nagbigay ng tulong pinansyal ang Ayala Foundation katuwang ang Department of Social Welfare and De­ve­lopment (DSWD) sa mga pamilya ng limang rescuers­ ng Bulacan Provincial Di­saster Risk Reduction Ma­nagement Office, na nagbuwis ng buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa San Miguel, Bulacan.

Sa isang maigsing prog­rama, nagbigay-pugay sina Secretary Erwin Tulfo, Ayala Foundation Inc. President Ruel Maranan at Ayala Cor­poration Managing Director General Emmanuel Bau­tista (Ret.) sa mga nama­yapang rescuers na sina George Agustin, 45; Troy Justin Agustin, 30; Marby Bartolome, 37; Narciso Ca­layag Jr., 33; at Jerson Re­­surreccion, 33 at bilang pagkilala sa kanilang mga kabayanihan.

Pinangunahan ni  Sec. Tulfo ang turnover ng check donation ng Ayala Foundation sa pamamagitan ni Maranan sa DSWD Central Office sa Quezon City kahapon ng umaga. 

“Nagbibigay-pugay po kami sa inyong mga kapa­milya sa kanilang gina­­­wang pagbubuwis ng kanilang buhay sa pagtulong sa ka­nilang mga kapwa…” Ang kanilang kabayanihan ang nagbibigay-buhay at ins­pirasyon upang patuloy na makatulong sa marami pang nangangailangan,” pa­hayag ni Maranan.

Ang#BrigadangAyala ng Ayala Group of Companies ay maagap na nagsagawa ng relief operations sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos humagupit ang super typhoon Karding.

“We’d like to thank Ayala Foundation for always being there in times of crisis. Ang Ayala Foundation po ay nariyan at ka-partner po ng pamahalaan sa pagtulong sa tuwing may­roong sakuna at crisis ang ating bayan,” pahayag pa ni Tulfo.

DSWD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with