^

Police Metro

Undas posibleng maging COVID-19 super spreader

Danilo Garcia - Pang-masa
Undas posibleng maging COVID-19 super spreader
In this file photo, a girl cleans a niche in the apartment-type tombs at the Bagbag cemetery in Quezon City. The government has ordered the closure of all cemeteries from Oct. 29 to Nov. 4.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Posibleng maging CO­­VID-19 ‘super spreader event’ ang pagpunta ng publiko sa mga sementeryo sa dara­ting­ na Undas.

Ito ang paalala ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi ki­nakategorya ang Undas na “low risk setting” dahil sa inaasahan na taun-taong dinadagsa ng napakaraming tao ang bawat sementeryo.

Payo ni Vergeire ang ma­higpit na pagsusuot pa rin ng face mask ng bawat isa kahit na niluwagan na ang pagsusuot nito sa mga ‘outdoors’, bilang pamproteksyon sa sarili at maging sa mga uuwian na mga ka­anak.  

Nagpaalala rin ang opis­yal na dapat nakapagpaturok na kahit ng unang dose ng booster shot bago magtungo sa puntod ng mga minamahal para may dagdag na proteksyon laban sa virus.

Ipinaalala rin niya na sa ngayon ay nakikitaan ang bansa ng bahagya ngunit patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, kaya malinaw na masasabi na nananatili ang banta ng COVID-19 sa lahat.

Naniniwala si Vergeire na alam na ng mga Pilipino ang kanilang gagawin para makaiwas na mahawa sa virus dahil sa ito na ang ikatlong Undas na nasa pan­demya ang bansa.

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with