^

Police Metro

90% ng license plate backlogs target tapusin ng LTO sa 2023

Angie dela Cruz - Pang-masa
90% ng license plate backlogs target tapusin ng LTO sa 2023
FILE PHOTO. The Land Transportation Office plans to complete up to 90% of its motor vehicle license plate backlog by the end of 2023.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sa katapusan ng taong 2023 ay target ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hang­gang 90 porsyento ng pro­duksyon ng mga backlog  ng mga plaka ng sasakyan.

Ayon kay LTO Chief  Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang maka­gawa ng mga plaka kahit ilang por­syento ng kabuuang ka­kulangan bago matapos ang taon.

Para naman sa mga plakang hindi matatapos magawa ngayong taon ay plano ng ahensya na kumuha ng serbisyo ng priba­dong kumpanya upang kayaning makumpleto ang kahit 90-porsyento ng back­­log pagsapit ng Disyembre ng susunod na taon.

Nauna nang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.7 bilyong pondo para tugunan ang mga backlog sa mga plaka ng sasakyan ba­gama’t ang hininging pondo ng LTO ay nasa P6.83-bilyon. 

Gayunman, nananatiling­ positibo si Guadiz na maa­aprubahan ng dalawang Ka­pulungan ng Kongreso ang buong pondo na hinihingi nito para sa mga back­log ng plaka ng sasakyan.

Sa ngayon ay umaabot sa 2.3 milyong pares ng replacement plates o ang pagpapalit ng mga plakang may berdeng character at puting background tungo sa itim na character at puting­ background ang kailangang­ matapos habang may­roong 11.5 milyon ang backlog­ para sa mga plaka ng motorsiklo.

LTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with