^

Police Metro

Chavez, Remulla, Toledo, Soriano, napipisil na susunod na press secretary

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na personalidad­ na kinabibilangan ng isang kasalukuyang undersecretary, isang board director, isang business executive at isang movie director ang napipisil na susunod na press secretary matapos mag­bitiw si Atty. Trixie Cruz-Angeles.

Nauna nang nagpahayag si Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara na malapit nang pangalanan ang isang bagong Press Secretary.

Kabilang sa mga na­babanggit na posibleng pumalit kay Cruz-Angeles na hindi nakalusot sa makapangyarihang Commission­ on Appointments ay sina transportation Undersec­retary Cesar Chavez, Phi­lippines Games and Amuse­ment Corporation (PAGCOR) board director Gilbert Remulla, Atty. Michael “Mike” Toledo ng Metro Pacific Investment Corp. at movie director Paul Soriano.

Inamin ni Chavez na isinasaalang-alang siya bilang press secretary, pero hindi siya interesado sa posisyon dahil ibang larangan ang espesyalidad niya.

Sa kabilang banda, si­nabi rin niya na sina Mike Toledo at Gilbert Remulla ay isinasaalang-alang para sa puwesto.

Si Toledo ay nagsilbing tagapagsalita ni dating­ Pangulong Joseph Estrada at si Remulla naman ay miyembro ng board of directors ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Samantala, nauna nang kinumpirma ng direktor na si Paul Soriano na kinokonsidera rin siyang press secretary, pero inamin niyang mas gusto niyang mag­trabaho sa likod ng mga eksena.

Pamangkin din siya ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa pamamagitan ng first cousin nitong direktor na si Gines Soriano. - Mer Layson

CESAR CHAVEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with