^

Police Metro

2 suspek sa pagpatay kay Lapid nahagip ng CCTV

Danilo Garcia - Pang-masa
2 suspek sa pagpatay kay Lapid nahagip ng CCTV
Screengrab shows radio broadcaster Percy Lapid in one of his last shows aired on YouTube.
Philstar.com Screengrab / LAPID FIRE ni Percy Lapid on YouTube

MANILA, Philippines — Patuloy nang inaalam ng pulisya ang pagkaka­kilanlan ng dalawang suspek na sangkot sa pagbaril at pagpatay sa komenta­rista na si Percy Lapid ma­karaang mahagip sila ng CCTV camera.

“May dalawa na possible perpetrators na nahagip ng CCTV. Effort is being exerted to identify them,” sinabi ni Southern Police District deputy district director for operations Police Colonel Restituto Arcangel.

Bukod sa dalawang video footage na sinusuri nila ngayon para makilala ang mga salarin, may 10 pang CCTV footage rin ang kanilang nakalap at nakatakda ring pag-aralan.

Hindi pa naman sila nakakakuha ng pahayag sa naulilang pamilya ni Lapid o Percival Mabasa’ sa totoong buhay dahil sa nagluluksa pa. Sinabi naman ni PLtCol Dexter Versola, NCRPO spokesperson, na nakakuha sila ng video footage mula sa dashcam ng itim na Toyota Innova ni Mabasa. 

May dalawang video cam umano na nakakabit sa sasakyan niya, isa sa harapan at isa sa likuran at isasailalim sa ‘enhancement’ upang maging mas malinaw ang kuha nito at makakuha ng mga importanteng impormasyon.

Nagpahayag naman ng pangamba si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) exe­cutive director Joel Egco dahil ito ang kauna-una­hang kaso ng pamamas­lang sa isang miyembro ng media sa Metro Manila sa loob ng mahabang panahon.

JOURNALIST KILLINGS

PERCY LAPID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with