^

Police Metro

Kamara iimbestigahan ang kontrobersyal na lotto draw

Joy Cantos - Pang-masa
Kamara iimbestigahan ang kontrobersyal na lotto draw
“Dumating na sa tanggapan ng PCSO main office sa Mandaluyong City ang ilan sa 433 jackpot winners sa naganap na Grand Lotto 6/55 draw noong Sabado, October 1, 2022 upang kobrahin ang kanilang napanalunan. Paghahatian ng 433 jackpot winners ang jackpot prize na P236,091,188.40,” PCSO wrote.
Facebook/Philippine Charity Sweepstakes Office

MANILA, Philippines — Nakatakdang imbestigahan ng House Committee on Games and Amusements ang kontrobersyal na Grand Lotto draw kung saan mahigit sa 400 na nanalo ang naghati-hati sa P236 milyong jackpot prize.

Ito matapos ihain ni House Minority Leader at 4Ps Party­list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan ang House Resolution No. 463 na nagsusulong sa imbestigasyon ng 6/55 lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong October 1.

Nilinaw ni Liba­nan sa resolusyon na dapat proteksyunan at manatiling malinis ang mga lotto draws na malaki ang naiaambag sa kabang-yaman ng gobyerno na nagagamit naman sa mga public health programs at pagkakaloob ng medical assistance sa sektor ng mahihirap.

Noong Sabado ay umabot sa 433 katao ang nagwagi sa tinayaang “winning combination – 09-45-36-27-18-54 – numbers that are all divisible by 9.”

Ang bawat isa ay nanalo lamang ng P545,000 at hindi pa naibabawas dito ang buwis na para sa mambabatas ay “highly unusual result has triggered widespread social and traditional media discussion on whether fraud had attended the draw.”

Binanggit pa sa re­solusyon na ang PCSO ay nakabenta ng P25.92 bilyong halaga ng lotto tickets mula January hanggang June ngayong taon na mas mataas ng 32.15 porsyento kum­para sa naibenta noong 2021.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with