^

Police Metro

Baryang bawas-presyo ng petrolyo, ipatutupad ngayon

Angie dela Cruz - Pang-masa
Baryang bawas-presyo ng petrolyo, ipatutupad ngayon
Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro naman ng kerosene, epek­tibo alas-6:00 ng umaga.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay magpapatupad ng barya-baryang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.45 sa kada litro ng diesel, at P0.85 sa kada litro naman ng kerosene, epek­tibo alas-6:00 ng umaga.

May bawas-presyo din sa kahalintulad na halaga ng diesel at kerosene ang kompanyang Caltex (CPI) at Cleanfuel, epektibo alas-12:01 ng madaling araw.

Ang ipatutupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with