^

Police Metro

Pagpunta ni Bongbong Marcos sa Singapore, kinumpirma ng Palasyo

Malou Escudero - Pang-masa
Pagpunta ni Bongbong Marcos sa Singapore, kinumpirma ng Palasyo
This photo shared by Singapore Minister for Manpower Han See Leng shows President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at the Singapore Grand Prix. Leng says he met with Marcos and other heads of States to "affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race."
Facebook / Han See Leng

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na nasa Singapore si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong weekend, kung saan una nang napaulat na nanood siya ng Formula 1 Grand Prix.

Base sa Facebook post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sinabi nito na naging produktibo ang pagtungo ni Marcos sa Singapore na kung saan ay pinagtibay ng Pangulo ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa Singapore at itinuloy ang paghihikayat sa pag-invest sa  Pilipinas.

Una nang kinumpirma ni Singaporean Minister for Manpower Tan See Leng na nagtungo si Marcos sa Singapore.

Bukod sa Pangulo, nakausap din ni Tan si Palau President Surangel Whipps Jr. at iba pang opisyal mula sa Cambodia at Saudi Arabia.

Nakasama ni Marcos sa Singapore ang anak na si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, at pinsan na si House Speaker Martin Romualdez.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with