^

Police Metro

Arawang kaso ng COVID-19, papalo sa 2K

Danilo Garcia - Pang-masa
Arawang kaso ng COVID-19, papalo sa 2K
Majority of the shoppers at a public market in Marikina City wear their face mask while others take them off on Wednesday (September 14, 2022).
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Papalo sa 2,000 kada araw ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang katapusan ng taon.

Ito ang inihayag ng UP COVID-19 Pandemic Response Team na nangangahulugan na malayo pang matapos ang pandemya sa bansa.

“Even before, we are projecting that this kind of dynamic will happen even until the end of 2022. This implies that hindi pa tapos ‘yung pandemic,” sinabi ni Dr. Jomar Rabajante.

Sa kabila nito, nananatiling kaya ng pamahalaan ang ‘healthcare utilization’ kahit na mataas ang ara­wang kasong naitatala.

Noong Linggo ng hapon, nakapagtala ang bansa ng 2,117 bagong kaso ng COVID-19 at sa naturang bilang, 908 sa mga kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).

Nananawagan si Rabajante sa pamahalaan na suriin pang mabuti at pag-aralan ang mga pagluluwag sa restriksyon lalo na ang paglabas-pasok ng mga dayuhan at Pilipino sa bansa.

Sa kabila ng pagluluwag sa pagsusuot ng facemask, nanawagan ang doktor na patuloy na isuot ito sa labas lalo na kung may maraming tao habang nagbabala rin siya na maaaring kumalat ang virus sa mga paaralan kung hindi magiging maayos ang bentilasyon ng mga ito.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with