^

Police Metro

3 nakamotor todas sa road accident

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong katao habang isa ang sugatan sa magkahiwalay na road accident sa Cebu City noong Sabado.

Namatay noon din si Reneir Paparacio, 23, ng Sitio Suran, Brgy. Quiot, habang namatay naman  sa ospital ang angkas nitong si Janice Mae Respeto Jaspe, 34.

Naaksidente ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima sa North Reclamation Area sa Brgy. Mabolo, Cebu City.

Sinabi ni Corporal Rosaleo Lauron, traffic investigator ng Mabolo Police Station, bukod sa mabilis na takbo, tinangka umano ni Paparacio na lagpasan ang green light sa kanto ng Juan Luna Avenue at Serging Osmeña Boulevard ngunit nabigo ito.

Dahil sa pag-full stop, nawalan ng balanse si Paparacio at sumalpok sa center island ang motorsiklo na naging dahilan para sila ay tumilapon.

Patay din si Charlyn Jabolin, 23, dalaga, taga-Brgy. Casapa, Jiabong, Samar habang sugatan ang kaibigang si Rodelyn Joy Jabonita, 25, dalaga, driver ng Suzuki motorcycle, mula sa Bayawan, Negros Oriental nang sumalpok sa 14-wheeler truck sa Brgy. Sangat, bayan ng San Fernando, Cebu.

ROAD ACCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with