^

Police Metro

Taas-pasahe sa PUVS epektibo na ngayon

Mer Layson - Pang-masa
Taas-pasahe sa PUVS epektibo na ngayon
Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina on Thursday, June 9, 2022.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Epektibo na ngayong araw ang inaprubahang fare hike ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility vehicles (PUVs).

Kabilang dito ang P1 dagdag-pasahe sa mga tradisyunal na jeepney na magkakaroon na ng P12 minimum fare, at modern jeepneys na magkakaroon ng P14 minimum na pasahe.

Bukod pa dito, ang mga traditional jeepneys ay magpapatupad din ng karagdagang P1.80 para sa bawat susunod na kilometro habang P2.20 naman para sa modern jeepneys.

Ang mga pampasaherong bus naman ay binigyan ng P2 fare increase sa ordinaryong bus na magiging P13 na at may P2.25 na dagdag sa bawat susunod na kilometro habang ang mga air-conditioned buses naman ay magkakaroon ng P15 minimum na pasahe at P2.65 na dagdag sa bawat succeeding kilometer.

Maging ang flagdown rates sa mga taxis at transport network vehicle service (TNVS) ay pinahintulutan din ng LTFRB na magtaas ng P5, ngunit walang karagdagang pagtaas sa succeeding kilometers.

Dahil dito, ang bagong minimum fare para sa mga taxi at sedan-type na TNVS ay magiging P45, habang P55 naman sa mga AUV/SUV-type TNVS at P35 sa hatchback-type na TNVS.

Samantala, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na ang mga PUVs ay kailangang magpaskil muna ng bagong taripa sa loob ng kanilang sasakyan bago sila payagang magpatupad ng bagong taas-pasahe.

LTFRB

PUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with