^

Police Metro

NCR muling nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases

Danilo Garcia - Pang-masa
NCR muling nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 cases
Shoppers wear face masks as protection against the coronavirus disease (COVID-19) while inside a market in Marikina City.
The STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inhayag ng Department of Health (DOH) na muling nakapagtala ng pinakamataas na ­COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR) mula noong Pebrero habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng tinatamaan ng impeksyon sa bansa.

Sa datos ng DOH, nakapagtala ng panibagong 3,822 kasong COVID-19 ang bansa para umakyat ang kabuuang kaso sa 3,951,766 mula noong Marso 2020.

Sa naturang bagong kaso, nasa 1,692 sa mga ito ang mula sa NCR, ang pinakamataas mula noong Pebrero 2.

Itinuro ng DOH ang pagtaas ng kaso sa kawalang interes na ng mga Pilipino na magpabakuna ng booster jab dahil sa tinatawag na ‘pandemic fatigue’.

Kasama rin dito ang pagluluwag ng mga ‘protocols’ kabilang ang pagba­balik ng ‘in-person classes’ at  boluntaryong pagsusuot ng face mask habang nasa labas ng bahay o ng mga establisimiyento at pagbaba na ng ‘immunity’ ng publiko na mayroon lamang ‘primary series’ o unang dalawang dosage ng bakuna.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with