^

Police Metro

‘Nuisance’ candidate nais panagutin ng Comelec

Danilo Garcia - Pang-masa
âNuisanceâ candidate nais panagutin ng Comelec
Ito ang inihayag kahapon ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco makaraang lumitaw ang balita na nailagay kay dating Governor Roel Degamo ang boto na natanggap ng isang nuisance candidate na ang pangalan ay “Ruel Degamo”.
Contributed photo

MANILA, Philippines — Nais panagutin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nuisance candidate.

Ito ang inihayag kahapon ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco makaraang lumitaw ang balita na nailagay kay dating Governor Roel Degamo ang boto na natanggap ng isang nuisance candidate na ang pangalan ay “Ruel Degamo”.

Batay sa Comelec Rules of Procedure Part V, Rule 24, sinasabi na maidedeklarang nuisance candidate ang sinumang kandidato sa eleksyon na wala talagang intensyong tumakbo sa opisina at ang nais lamang ay magdulot ng kalituhan sa pamamagitan ng kaparehong pangalan.

Ani Laudiangco, nagiging trend na umano ang ­paglitaw ng mga nuisance candidates tuwing eleksyon at panahon na upang panagutin ang mga ito.

“Isusulong po sa pamamagitan ng administration ni Chairman George Garcia na sana ‘yung mga ganitong bagay ay mai-declare, ma-criminalize po kasi nagi­ging uso ito. Paulit-ulit na lang kada eleksyon, meron at ­merong tumatakbo na halos kapangalan, katunog ng pangalan ng mga lehitimong kandidato na ang tanging dahilan ay para gawing mockery ang eleksyon, lituhin ang mga tao,” aniya sa isang panayam sa radyo.

“So, isusulong po ng Comelec na sana ma-criminalize ito nang hindi lang sa boto ang pinag-uusapan natin, kundi maparusahan sila ng may pagkakakulong at ma-fine po,” dagdag pa ni Laudiangco.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with