^

Police Metro

Mga artista ipa-drug test muna bago bigyan ng pelikula – solon

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bago bigyan ng pelikula o project sa telebisyon ay dapat munang sumailalim sa mandatory drug test ang bawat artista.

Ito ang mungkahi ni Surigao del Norte Rep. ­Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on ­Dangerous Drugs, kasunod na rin ng pagkakaaresto ng pulisya sa aktor na si Dominic Roco at apat na kasamahan sa ikinasang buy-bust operation sa Quezon City noong Sabado ng umaga.

Anya, ang mga artista ang nagsisilbing ehemplo ng publiko at malakas na ‘influencer’ kaya dapat lamang na malinis ang kanilang imahe. Bagama’t marami sa mga artista ang hindi gumagamit ng illegal na droga, mayroon din umanong sumusubok at gumagamit na humahantong pa sa pagtutulak.

Dapat na bantayan at higpitan ng mga namumuno sa movie industry ang mga artista at paigtingin ang kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police sa kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test.

Kabilang sa mga artista na dinakip dahil sa droga ay sina Mark Anthony Fernandez, starlet na si Krista Miller, dating sexy actress Sabrina M, radio disk jockey Karen Bordador, dating child star na si CJ Ramos, Fliptop rapper Zaito at actor Julio Diaz.

vuukle comment

DRUG TEST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with