^

Police Metro

Anak ni Bembol Roco, 4 pa timbog sa droga!

Mer Layson - Pang-masa
Anak ni Bembol Roco, 4 pa timbog sa droga!
Actor Dominic Roco, son of veteran actor Bembol Roco, along with four other individuals were arrested by the Quezon City Police District Station 14 Drug Enforcement Unit for possession of suspected illegal drugs during a sting operation at a subdivision in Barangay Holy Spirit, Quezon City on Saturday midnight. The seized 15 grams of alleged shabu and 10 grams of alleged marijuana from the suspects have an estimated value of P116,000.
The STAR/Miguel de Guzman

Buy-bust ops sa Quezon City

MANILA, Philippines — Arestado ang aktor si Dominic Roco at apat na iba pa matapos umano silang makuhanan ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Quezon City  kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brig Gen. Nicolas Torre III, bukod kay Roco na anak ng bete­ranong actor na si Bembol Roco, naaresto rin ng kanyang mga tauhan ang mga kasamahan nito na sina Reynaldo Sanchez, 45; Eugene Marvin Tolentino, 27; Renz Anthony Cruz, 33; at Dexie Diamante, 21.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong ala-1:20 ng mada­ling araw nang madakip ang nakababatang Roco at mga kasamahan sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Holy Spirit Police Station (PS 14) sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nauna rito, nakatanggap umano ang mga otoridad ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon.

Nang magpositibo ang transaksiyon ay kaagad nang dinakip ang mga suspek. Nakumpiska mula sa kanila ang P112,000 halaga ng hinihinalang shabu, P14,000 halaga ng mga pinatuyong dahon ng marijuana o “kush”, timbangan at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

DOMINIC ROCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with