^

Police Metro

Vhong Navarro tiyak nang swak sa Taguig Jail

Ludy Bermudo - Pang-masa
Vhong Navarro tiyak nang swak sa Taguig Jail
Mug shot photo of Vhong Navarro courtesy of the NBI.
STAR / File

Mosyon na manatili sa NBI, ibinasura

MANILA, Philippines — Hindi pinayagan ng korte na manatili sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang TV host comedian na si Vhong Navarro kaugnay sa kasong rape na isinampa ng complainant na si Deniece Cornejo.

Ang urgent motion ni Navarro ay unang inihain ng kanyang abogadong si  Atty. Alma Mallonga, upang mapanatili siya sa kustodiya ng NBI detention facility.

Binanggit ni Navarro sa kaniyang mosyon na haharapin niya ang mga kaso laban sa kaniya, at ang kaniyang pagsuko sa NBI ay bunsod ng lehitimong pangamba para sa kaniyang kaligtasan at sa kaniyang buhay habang matindi pa ang galit sa pagitan nila at ng nag-aakusa na si Cornejo at mga kabigan nito.

Kasama sa kaniyang pleading na ang maybahay niya ay nakatanggap pa ang text message sa hindi kilalang cellphone number na nagsabing  “Pasabi diyan sa asawa mong rapist Mr. Suabi, nag-aantay kami dito sa Taguig, paki-bilisan”.

Giit ni Navarro na dapat seryosohin ang nasabing mensahe dahil si Cornejo at mga kaibigan ay nakulong sa Taguig Jail kaugnay sa pambubugbog sa kaniya at nakalaya lamang sa piyansa noong 2014. Posibleng nagkaroon ng koneksyon sa gang sa loob ng Taguig Jail ang kampo ni Cornejo.

Paliwanag Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig RTC Branch 69 sa pagbasura sa mosyon,  nabigong bigyang katwiran ang pangangailangan ni Navarro para patuloy na mapiit sa NBI. Bigo rin si Navarro na maglakip ng patunay sa sinasabing mensahe ng SMS.

May mandato naman aniya, ang Taguig Jail na protektahan ang mga detainee.

Nabatid na naghain din ng manifesttaion with urgent motion to transfer detention si Atty. Howard Calleja, abogado ni Cornejo, para mailipat na sa Taguig Jail si Navarro mula sa NBI facility.

Nabatid na hindi pa nakatatanggap ang NBI ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat kay Navarro sa Taguig Jail.  

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with