^

Police Metro

Pinsala ni ‘Karding’ umabot na sa P3 bilyon — NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa
Pinsala ni âKardingâ umabot na sa P3 bilyon â NDRRMC
Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, tumaas na sa P3, 076, 968,120.04 ang pinsala ni Karding sa agrikultura habang  nasa P14, 141, 725 naman sa livestock, poultry at pangisdaan.
Malacañang photo via AFP

MANILA, Philippines — Pumalo na sa mahigit P3 bilyon ang iniwang pinsala ni super typhoon Karding sa sektor ng agrikultura.

 Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, tumaas na sa P3, 076, 968,120.04 ang pinsala ni Karding sa agrikultura habang  nasa P14, 141, 725 naman sa livestock, poultry at pangisdaan.

Nairekord naman sa 104,500.90 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan sa delubyo ni Kar­ding. Nasa 166, 630.11 hektarya naman ng mga pananim ang nasalanta sa pagbayo ng kalamidad.

Inulat din ng NDRRMC, na nasa 247,016 pamilya o kabuang 913,893 mga indibduwal ang naapekthan ng bagyo sa pitong rehiyon habang nasa 47,388 naman ang nasira ang mga tahanan. Karamihan sa mga ito ay nanuluyan sa mga eva­cuation centers habang ang iba naman ay sa kanilang mga kamag-anak sa mga matataas at ligtas na lugar.

Nasa kabuuan namang 57,080 mga bahay at 43 imprastraktura ang napinsala sa matinding hagupit ng bagyo.

Magugunita na noong nakalipas na Setyembre 25 ay binayo ni supertyphoon Karding ang ilang rehiyon partikular na ang mga lalawigan sa Luzon kung saan pinakagrabeng naapektuhan ang Quezon.

Samantalang nagkaroon din ng matinding flashflood sa Bulacan kung saan nagbuwis ng buhay ang lima na bayaning rescuer sa bayan ng San Miguel, Bulacan matapos na mabagsakan ng gumuhong pader ang sinasakyan ng mga itong bangka sa kasagsagan ng pananalasa ni Karding.

Nanatili naman sa 12 katao ang death toll ng bagyong Karding, 52 ang nasugatan at anim namang mangingisda ang nawawala.

DAMAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with