^

Police Metro

Pagsasara ng Meralco Ave., itinakda na sa Lunes — DOTr

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula bukas, Lunes o Oktubre 3, isasara na sa daloy ng trapiko ang kahabaan ng Meralco Avenue sa Ortigas, Pasig City.

Sa paabiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na epektibo ang pagsasara ng kalsada sa loob ng anim na taon o hanggang sa taong 2028. Layunin nitong bigyang-daan ang konstruksyon ng isasagawang civil works para sa Ortigas at Shaw Boulevard Stations ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Sinabi ng DOTr na masasakop ng road closure ang harapang bahagi ng Capitol Commons hanggang sa kanto ng Shaw Boulevard.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng DOTr ang mga motorista na sundin ang traffic rerouting scheme na isasakatuparan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Alinsunod sa naturang iskima, ang mga public utility jeepneys (PUJs) na mula Meralco Avenue patungong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Captain Henry Javier St. patungong Danny Floro St. at pabalik habang ang mga moder­nized jeepneys naman na mula Meralco Avenue patungong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Dona Julia Vargas Avenue patungong San Miguel Avenue at vice versa. Ang mga UV Express Vehicles/Units na mula Meralco Avenue patungong Shaw Boulevard ay ire-reroute sa Dona Julia Vargas Avenue patungong San Miguel Avenue o Anda Road hanggang sa Camino Verde habang ang mga pribadong sasakyan naman ay maaaring dumaan sa alinmang available na ruta.

DOTR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with