^

Police Metro

Malaysian POGO employee, 33 iba pa na ‘di pinapasahod, nasagip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Malaysian national at 33 iba pa na nagtatrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nasagip ng mga otoridad sa inilunsad na operasyon sa Alabang, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Sa pinagsanib na pwersa ng Malaysian Royal Police (Police Attaché’), District Special Operations Unit (DSOU), District Intelligence Division (DID), District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District at Muntinlupa City Police Station, matagumpay ang pagsagip sa biktimang si Soh Teck Koung, lalaki­, 25-anyos at 33 iba pang empleyado.

Habang inaresto ang suspek na kinila­lang si Qian Jing, 35-anyos, Chinese national na kinasuhan ng serious illegal detention.

Sa ulat, alas-10:30 ng gabi nitong Setyembre 28, 2022 nang isagawa ang rescue operation sa Dexin 999 Building, 236 7th floor Montillano St., Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Nabatid na ang Malaysian national ay tumawag sa kaniyang ina sa Malaysia­ upang magpasaklolo hinggil sa hindi­ pagpapasuweldo ng suspek, hindi pinapa­yagang lumabas ng gusali at paulit-ulit na pagbabanta na huwag magsusumbong sa mga otoridad.

Humingi naman ng saklolo sa Malaysian authorities ang ina ni Koung na naki­pag-ugnayan sa mga otoridad sa Pilipinas.

Sa beripikasyon ay hindi nakapagpa­kita ang kompanya ng Business Permit mula sa Business Permit and Licensing­ Office (BPLO) ng Muntinlupa City. - Doris Franche

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with