^

Police Metro

Lolo naningil ng utang sa tanod, tepok sa suntok

Doris Franche - Pang-masa
Lolo naningil ng utang sa tanod, tepok sa suntok
Kinilala ang nasawing­ biktima na si Jacinto Tene­bro, habang nadakip naman ang suspek na kini­lalang si Ronald Tagura, 40 at kapwa residente sa Barangay Bugbog ng nasabing bayan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 62-anyos na lolo nang bu­magsak ang ulo sa semento matapos suntukin ng barangay tanod na sini­singil nito ng utang naganap, kamakalawa sa Bucay, Abra.

Kinilala ang nasawing­ biktima na si Jacinto Tene­bro, habang nadakip naman ang suspek na kini­lalang si Ronald Tagura, 40 at kapwa residente sa Barangay Bugbog ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Bucay Municipal Police Station, naganap ang insi­dente nitong Huwebes sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigas­yon ng pulisya, nag-iinuman­­ ang dalawa nang big­la lamang umanong uutang ang suspek sa biktima.

Sinabihan ng biktima ang suspek na bayaran muna nito ang nauna pa niyang inutang na ikinagalit ng suspek hanggang sa pi­nag­susuntok si Tenebro.

Sa lakas ng pagkakasuntok, bumagsak ang biktima at tumama ang ulo nito sa semento na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Mabilis naman nadakip­ ang suspek ng mga ru­mes­pondeng pulis na ngayon ay nahaharap sa kasong­ homicide.

KRIMEN

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with