^

Police Metro

Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, tumaas

Danilo Garcia - Pang-masa
Positivity rate ng COVID-19 sa NCR, tumaas
Pero, bumaba naman ang reproduction rate ng virus sa 1.10 mula sa 1.28 sa parehong panahon. Ang reproduction number ang tumutukoy sa bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang kaso.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research Group na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala sa 18.9% nitong Setyembre 26 mula sa 17.5% noong Set­yem­bre 19.

Pero, bumaba naman ang reproduction rate ng virus sa 1.10 mula sa 1.28 sa parehong panahon. Ang reproduction number ang tumutukoy sa bilang ng tao na maaaring mahawa ng isang kaso.

Ang daily average attack rate sa rehiyon ay naitala sa 7.32 kada 100,000 indi­bidwal na itinuturing na nasa ‘moderate risk’ na.

Itinuro ni OCTA fellow­ Ranjit Rye ang pagtaas sa mga kaso sa mas naka­ha­hawang variants ng CO­VID-19, mas mataas na paggalaw ng mga tao, pagbaba sa pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) at pagbaba na rin ng proteksyon ng ‘primary series’ na bakuna habang hindi pa nagpapa-booster ang maraming ma­mamayan.

Sa kabila ng pagluluwag sa polisiya sa face mask ay iginiit nila patuloy na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at mag­­hugas lagi ng kamay at magpa-booster shot na rin.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with