^

Police Metro

Kuya dinedbol ng utol sa harap ng anak

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 39-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng nakababatang kapatid habang naglalakad pauwi sa kanyang bahay sa Sitio Labrahan, Barangay Don Juan Vercelos, San Francisco, Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing­ biktima na si Michael Yare, habang tugis na ng pulisya ang suspek na kapatid nito na si Melencio Yare, 37, binata ng Sitio Awas, Barangay Casay.

Ayon sa pulisya, alas-8:00 ng gabi ay naglala­kad patungo sa kanyang bahay ang biktima kasama ang anak na si John Paul nang harangin sa daan ng suspek.

Bumunot ng baril ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang nakatatandang kapatid sa harap ng anak nito.

Nang matiyak na patay na ang kanyang kuya ay mabilis na tumakas ang sus­pek at iniwang umiiyak ang pamangkin.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamas­lang ng suspek sa kanyang kapatid na kinasuhan ng murder. - Ed Amoroso

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with