^

Police Metro

US trip ni Marcos nakasungkit ng P230 bilyong investment

Malou Escudero - Pang-masa
US trip ni Marcos nakasungkit ng P230 bilyong investment
President Ferdinand Marcos Jr. with his wife, first lady Louise Araneta-Marcos, and Indonesian President Joko Widodo walking on the tarmac toward the plane after his state visit to Indonesia from September 4 to September 6, 2022.
Facebook / Press Secretary Trixie Cruz-Angeles

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ng Malacañang na ang nakaraang working visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Estados Unidos ay magreresulta ng tinatayang $4 bilyon o P230 bilyong halaga ng investment sa bansa.

Sa isang statement, binanggit ng Palasyo na ang kasunduang naikasa at mga ‘commitments’ ay may katumbas na halagang $3.9 bilyon at makalilikha ng 112,285 trabaho.

Ang mga investment na ito ay magmumula sa iba-ibang sektor, kabilang na ang Information Technology and Business Process Management (IT-BPM), data cen­ters at manufacturing.

Nilinaw ng Palasyo na hindi pa kasama sa kuwenta ang mga investment sa hinaharap mula sa mga kompanya at iba pang opisyal na nakausap ni Marcos sa New York.

Ilang kompanya ang nagpahayag ng interes na mamuhunan sa Pilipinas pero hindi pa napipinalisa ang kanilang plano.

Sa arrival speech noong Setyembre 25, isiniwalat ni Marcos na ang kanyang delegasyon ay nagkaroon ng mga pagpupulong sa sektor ng IT-BPM, digital infrastructure, global brands industry at imprastraktura.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with