^

Police Metro

DepEd execs ginisa ng Senado sa laptop procurement

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa iregularidad ng dalawang dokumentong nagbibigay pahintulot sa procurement ng laptop noong 2021 na naging usapin dahil sa di-umano ay overpricing ay ginisa ng mga miyembro ng Senate blue ribbon committee ang ilang opisyal ng Department of Education sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon.

Sinabi ni Senator JV Ejercito na ang unang “authority to procure” (APR) ay mayroong nakalagay na 65,000 total units, samantala ang ­ikalawa naman ay mayroon lamang 39,583 units.

Ani Ejercito, ang ­unang APR ay mayroong inisyal ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla.

“Bakit malaki ‘yung disparity? ‘Yung una 68,500. Pangalawa, 39,000 na lang. And ‘yung sa second, walang initial si Usec. Sevilla,” tanong ng Senador.

Kinumpirma naman ni DepEd Undersecretary Alain Padua na inisyal niya ang nakalagay sa parehong dokumento.

Nang tanungin naman kung bakit mayroong dalawang kopya, tugon niya na ang ikalawang purchase request ay may bagong bilang ng natukoy na laptop.

Sa kabila nito, idiniin naman ni Ejercito na wala na sa ikalawang dokumento ang inisyal ni Sevilla na maaari naman umanong hindi dumaan sa opisina niya ang ikalawang APR.

Nagpaabot naman ng pagkabahala si Ejercito na maaaring hindi nabusisi ang ikalawang dokumento bago pirmahan ni dating Education.

DEPED

LAPTOPS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with