^

Police Metro

NCAP oral argument mapapaaga

Danilo Garcia - Pang-masa
NCAP oral argument mapapaaga
A sign warning motorists of Quezon City’s no contact apprehension policy is seen at the corner of Kamias Road and Kalayaan Avenue (July 1, 2022).
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Isang buwan na mapapaaga ang ‘oral arguments’ ukol sa sinuspindeng No Contact Apprehension Policy (NCAP) ng mga lokal na pamahalaan makaraang itakda ito ng Supreme Court sa Disyembre 6, 2022.

Una nang itinakda ng SC ang oral argument ng Enero 24, 2023 bago inilipat ngayong Disyembre 6.

Itinakda naman ang ‘preliminary conference’ nito sa Nobyembre 4, 2022 dakong alas-2:00 ng hapon.

“The Supreme Court likewise ordered that the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) be furnished a copy of the Petitions, and thereafter file its comment within 10 days from receipt of notice,” ayon sa SC.

Matatandaan na nitong katapusan ng A­gosto, naglabas ng TRO (temporary restraining order) ang SC laban sa NCAP na ipinatutupad sa mga siyudad ng Maynila, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, at Parañaque.

Base ito sa petisyon na inihain ng mga transport groups na Kapit, Pasang Masda, Altodap, at Alliance of Concerned Transport Organizations.

Isang abogado rin na napagmulta ng napakataas na halaga ang nagpetisyon sa SC na ideklarang ‘unconstitutional’ ang Manila City Ordinance No. 8676, na sumasakop sa polisiya.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with