^

Police Metro

Lahat ng ruta sa NCR na isinara sa pandemya bubuksan na — LTFRB

Joy Cantos - Pang-masa
Lahat ng ruta sa NCR na isinara sa pandemya bubuksan na â LTFRB
Residents wearing facemasks walk past a roadblock with awarenesses signs after the government imposed an enhanced quarantine as a preventive measure against the COVID-19 novel coronavirus in Manila on March 25, 2020.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bubuksan ang lahat ng mga ruta na isinara bago pa ang pan­demya sa Metro Manila sa mga pampublikong sasakyan bago matapos ang 2022.

Ito ang inihayag ni Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez sa mga debate sa plenaryo ng Kamara sa 2023 budget ng ahensya ng Department of Transportation (DOTr), si Martinez ang budget sponsor ng DOTr sa House of Representatives.

Magugunita na mara­ming mga ruta ng PUV ang isinara nang magsimula ang pan­demya noong Marso 2020 upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Ngunit nang lumuwag ang mga paghihigpit at muling nagpapatuloy ang mga klase sa personal ay muling binuksan ng LTFRB ang mas maraming ruta ng PUV sa capital region.

“Ang timeline at commitment ng LTFRB ay lahat ng mga ruta ng pre-pandemic ay bubuksan bago matapos ang taong ito,” ani Martinez.

Sa gitna ng pagkaantala sa pagpapatupad ng PUV modernization program, tiniyak ni Martinez sa mga operator na aayusin ang timeline nito.

“The timeline will be extended. Tuloy pa rin silang makaka-biyahe. Walang huhulihin… Modernization will push through. But given the delays, it will not be a burden to our jeepney drivers and other stakeholders to bear the brust of such. Makakatuloy silang makabiyahe at walang huhulihin,” ani Martinez.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with