^

Police Metro

Singil sa tubig posibleng tumaas — MWSS

Angie dela Cruz - Pang-masa
Singil sa tubig posibleng tumaas â MWSS
This file photo shows a caretaker checking water meters in Quezon City.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Dahil sa naging pagbaba ng halaga ng piso sa nagdaang mga araw ay pi­nangangambahan ng Me­t­ropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magkaroon ng pagtaas ang halaga ng singil sa tubig sa Metro Manila sa susunod na taon. 

Ito ang sinabi ni MWSS Chief Regulator­ Patrick Lester Ty na may impact sa singil sa tubig ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

“That will have an effect in the rates this coming January 1, 2023, so yes, it will have an effect definitely, but we will try our best to minimize or at least spread this increase through the next five years, so ‘yun ang balak natin na hindi ho sana mabigla ang ating consumers,” sabi ni Ty.

Ang halaga ng piso ay patuloy ang pagbaba laban sa dolyar sa nagdaang limang araw. Ang palit ng 1 US dollar nitong Martes ay P58.99.

Noong November 2021, inaprubahan ng MWSS ang pagtatanggal sa Foreign Currency Differential Ad­justment (FCDA) mula sa bills ng mga customer­ ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Service Inc., na nai-convert sa “transitory adjustment.”

Ang FCDA ay isang quarterly-reviewed tariff mechanism na pinapayagan ang mga concessionaires ay makarekober mula sa ka­nilang lugi o magkaroon ng back gains mula sa galaw ng piso kontra dolyar.

Ang Maynilad ay nag­susuplay ng tubig sa west zone ng Metro Manila tulad sa Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon City at Valenzuela gayundin sa Bacoor, Cavite at Imus sa Cavite at Kawit, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite.

Ang Manila Water­ na­man ay nagsusuplay ng tubig sa east zone ng Metro Manila sa 23 cities at munisipalidad ng Mandaluyong, Makati, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina at bahagi ng Quezon City at Manila gayundin ang mga lugar sa lalawigan ng Rizal sa Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay, Teresa, San Mateo at Antipolo.

MWSS

WATER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with