^

Police Metro

Marcos: Pinas bukas na sa mga investor

Malou Escudero - Pang-masa
Marcos: Pinas bukas na sa mga investor
“The reason why we considered today and this ribbon cutting and opening­ very, very important is that it is a signal to the world that we are open for business,” wika ni Marcos sa kanyang talumpati.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Bukas na sa mga fo­reign investor ang Pili­pinas, ayon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nitong Miyer­kules.

Ito ang sinabi ng Pa­ngulo nang pangunahan ang pagbubukas ng New Terminal Building ng Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga na kayang makapagsilbi ng walong milyong pasahero kada taon.

“The reason why we considered today and this ribbon cutting and opening­ very, very important is that it is a signal to the world that we are open for business,” wika ni Marcos sa kanyang talumpati.

Binigyang-diin ng Pa­ngulo ang kahalagahan ng public-private partnership at ang pagpapatayo ng mas maraming airport upang mabawasan ang siksikang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Paliwanag ng Pangulo, hindi magtatagumpay ang isang proyekto kung hindi magtu­tulungan ang public at private companies.

Umaasa ang Pangulo na kapag pumasok na ang mga dayuhang negosyante­, magdadala ito ng mga tu­rista at magbibigay naman ng trabaho sa mga ordinaryong Filipino.

BUSINESS

INVESTORS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with