^

Police Metro

Bebot inaresto sa bagahe na may lamang P7.8 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa
Bebot inaresto sa bagahe na may lamang P7.8 milyong shabu
Nagtakip ng mukha ang suspek na si Noelle Denise Azul, dalaga, 29, nang arestuhin ng mga otoridad nang tanggapin ang isang bagahe na naglalaman ng P7.8 milyong halaga ng shabu sa kanyang bahay sa Bacoor City, Cavite.

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang dalaga na tumang­gap ng isang package na galing London matapos matuklasan na naglalaman ito ng P 7.8 milyong halaga ng shabu, kamakalawa ng hapon sa Barangay Queensrow Central, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang suspek na si Noelle Denise Azul, dalaga, 29, residente ng  Blk 11, Lot 23, Magdiwang Subdivision ng nasabing barangay habang wala sa nasabing bahay ang mismong recipient o nakapangalan sa package na si Octavia Dela Cruz, 30.

Batay sa ulat, dumating ang package sa Bureau of Customs Port of Clark nitong Setyembre 23 kung saan idineklara na naglalaman ito ng mga stuff toys.

Nang idaan ito sa x-ray inspection at K9 sniffing dogs ay nakitaan na may kahina-hinalang laman at isinailalim sa physical examination sa pamamagitan ng Rigaku Progency ResQ FLX Chemical Analyzer ang nasabing bagahe at dito nakumpirma na droga ang laman nito.

Agad na bumuo ng operasyon ang mga otoridad­ at sinundan ang address ng nasabing package na dumating­ alas-5:00 ng hapon sa nasabing bahay sa Bacoor City, Cavite. Nang tanggapin ni Azul ang package ay agad itong inaresto at nang siyasatin sa harap nito ang laman ng bagahe ay tumambad ang bultu-bultong shabu na kasama ng ilang piraso ng stuff toys at nakasiksik ang tatlong asul na plastic bags na naglalaman ng may mahigit sa 1,140 gramo ng shabu at aabot sa halagang P7,866,000.00 milyong piso. - Ed Amoroso, Danilo Garcia

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with