^

Police Metro

Bersamin bagong Executive Secretary ni Bongbong Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Bersamin bagong Executive Secretary ni Bongbong Marcos
Da­ting Chief Justice Lucas Bersamin
KJ Rosales / File

MANILA, Philippines — Nasungkit ni da­ting Chief Justice Lucas Bersamin ang posisyong iniwan ni Executive Secretary Vic Rodriguez Jr., nang italaga siya ni Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Angeles ang pagkakatalaga kay Bersamin na papalit sa puwesto na iniwan ni da­ting Executive Secretary Vic Rodriguez na una nang nagbitiw sa puwesto matapos ang kontrobersiyal na planong pag-aangkat ng 300,000 metrikong toneladang asukal.

Nabatid na nanumpa na si Bersamin kay Pa­ngulong Marcos kahapon ng umaga sa Malacañang at agad na sinimulan nito ang trabaho sa pamamagitan ng pagdalo sa ikasiyam na Cabinet meeting sa Palasyo.

Matatandaan na isa si Bersamin sa mga mahistrado na pumabor na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang  ama ng Pangulo na si dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos Sr.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with