^

Police Metro

Bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, dumoble

Danilo Garcia - Pang-masa
Bagong kaso ng COVID-19 sa NCR, dumoble
A long queue of passengers waiting for their ride was spotted at the MRT3 North Avenue Station in Quezon City on Monday (September 19, 2022).
The STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research Group na halos dumoble umano ang itinaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) makaraang makapagtala ng 1,600 bagong impek­syon nitong Linggo.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David na ang naturang numero ay mas mataas sa peak na 1,502 kaso noong Agosto 7.

Tumaas din ang ‘one-week growth rate’ sa Metro Manila sa 25% nitong Setyembre 25 na halos doble ng 13% noong Setyembre 18.

Maging ang ‘reproduction number’ ay tumaas din sa 1.30 nitong Setyembre 22 mula sa 1.21 noong Setyembre 15.

Umakyat din ang ‘7-day positivity rate’ sa 18.5% nitong Setyembre 24 mula sa 15.7% noong Setyembre 17.

Sa kabila nito, nananatili naman na nasa ‘low level’ ang healthcare utilization sa rehiyon na nangangahulugan na karamihan sa dinadapuan ng virus ay ‘asympto­matic’ o ‘mild’ lamang ang mga sintomas.

Inaasahan ng OCTA na magtutuloy ang pagtaas ng mga kaso, ngunit hindi naman binanggit kung posibleng ito ay dahil sa pagluluwag sa panuntunan sa paggamit ng face mask sa outdoors.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with