^

Police Metro

5 rescuers sa Bulacan patay kay ‘Karding’

Omar Padilla - Pang-masa
5 rescuers sa Bulacan patay kay �Karding�
Binubuhat ng mga rescuer ang bangkay ng lima nilang kasama na nalunod habang nagsasagawa ng rescue mission sa San Miguel, Bulacan sa kasagsa-gan ng Bagyong Karding.
Bulacan PNP

MANILA, Philippines — Limang lalaki na pawang mga ka­wani ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRRMO) ang natagpuang patay kahapon ng umaga sa Sitio Galas, Brgy. Camias ng nasabing bayan.

Kinilala ni PDRRMO Chief Liz Mungcal ang mga nasawi na sina George Agustin; Troy Justin Agustin; Marby Bartolome; Narciso Calayag at Jerson Resurreccion, pawang nasa hustong gulang.

Batay sa report, alas-7:00 ng umga nang ma­diskubre sa magkakahiwalay na lugar ang wala ng buhay na mga rescuers sa Sitio Banga-Banga, Brgy. Camias ng nasabing bayan.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, magdadala sana ng tulong sa mga naapektuhang pamilya sa Obando Evacuation area ang mga biktima nang masiraan at tumirik ang truck na kanilang sinasakyan.

Kaya’t nagpasya ang lima na sumakay na lamang ng life boats nang biglang rumagasa ang flash floods sa kanilang kinaroroonan na nagpa­guho  ng isang pader na siyang naging dahilan ng pagdaloy ng malakas na tubig-baha na umanod sa kanila at nalunod.

Sinabi ng Gobernador na magbibigay siya ng personal na tulong sa pamilya ng mga biktima bukod pa sa tulong na manggagaling sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Idinagdag pa ng Pu­nong Ehekutibo na ma­tatanggap ng mga biktima ang lahat ng mga benepis­yo na nakalaan para sa kanila bilang empleyado ng Kapitolyo na ngayon ay kinikilala niya bilang mga bayani ng Bulacan.

Dumagsa naman ang pakikidalamhati ng publiko sa ipinakitang kabaya­nihan ng mga biktima na hindi inalintana ang pa­nganib masagip lamang ang mga taong nasalanta ng bagsik ng super typhoon Karding. - Doris Franche

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with