^

Police Metro

6 bagong Omicron subvariants mas nakakahawa - WHO

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — May bagong 6 na COVID-19 Omicron subvariants ang sinusuri ngayon ng mga eksperto ng World Health Organization na maaaring mas nakakahawa pa at puwede ring makaiwas sa mga kasalukuyang bakuna.

Itinala ng WHO ang mga subvariants na ang BA.5.1, BA.5.2, BA.2.75, BQ.1, BJ.1 at BA.4.6.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante sa isang public briefing na bagaman mababa ang bilang nito sa Pilipinas, kailangan ng masusing pagsubaybay sa mga ito dahil sa mataas na mutasyon na maaaring magdulot ng matinding hawahan at sinasabing posibleng nakaiiwas sa mga bakuna at antibodies na nakukuha sa bakuna.

Mas mataas umano ang mga senyales para sa transmisyon ng mga ito kumpara sa kasalukuyang mga ‘lineages’ at nakitaan ng mas mara­ming pagbabago ng ‘amino acid’ na pinaghihinalaang dahilan ng pagbabago nito kumpara sa ibang variants.

“Again, merong indikasyon na puwedeng maiwasan ang mga antibodies na nakuha natin sa bakuna at mas lalo tayong magkakaron ng infection,” saad ni Solante.

Sa kasalukuyan, natukoy na sa Pilipinas ang mga Omicron subvariants na BA.5, BA.4, BA.2.12.1, at BA.2.75.

Isinusulong ni Solante ang paglikha ng ‘booster vaccine’ na mas epektibo laban sa mas nakahahawang Omicron variant.

Tugon naman ng Department of Health (DOH), target pa lamang nila na makabili ng ikalawang henerasyon ng mga bakuna laban sa lumang variant at Omicron variants sa unang quarter pa ng 2023.

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with