^

Police Metro

Pulis napatay ng kabaro sa b-day party

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang pulis matapos mabaril nang makipag-agawan ng baril sa kanyang kapwa pulis sa isang birthday party sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si PSSG Jonas Trinidad, 37, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD)-Talipapa Police Station (PS-3).

Sugatan at naka-confine sa Commonwealth Hospital and Medical Center ang suspek na si PMSG Amando Gonzales, 50, nakatalaga sa PS-3 at residente ng Block 33 Lot 23 Sarong Bangui St., Lagro Subdivision, Barangay Greater Lagro, Novaliches, Quezon City.

Batay sa ulat, bago naganap ang krimen, alas-2:40 ng hapon sa tahanan ni Gonzales, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ay nagtungo si Trinidad at iba pa nilang kaibigan sa bahay ng huli at nagkayayaang mag-inuman.

Nang matapos ang inuman ay isinoli na ni Gonzales ang .45 kalibre na service firearm ni Trinidad at sa hindi batid na dahilan ay nagbasag ng basyo ng bote ng beer si Trinidad na ikinasugat ni Gonzales.

Nang komprontahin ni Gonzales si Trinidad ay nagbasag ng bote ng beer kaya naman binuhusan ng tubig ng una ang huli.

Dito na nagbunot ng baril si Trinidad kaya’t nag-agawan ang dalawa sa baril hanggang sa pumutok ito at tinamaan si Gonzales sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumulong ang ibang bisita para maagaw ang baril kay Trinidad habang nakita ni Gonzales ang misis niya na may tama, agad itong isinugod sa pagamutan.

Nang rumesponde ang mga pulis ay nakita nilang duguang nakaupo si Trinidad malapit sa gate kaya’t isinugod sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival.

vuukle comment

PATAY

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with