^

Police Metro

Drug war ni Bongbong Marcos kaiba kay Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Drug war ni Bongbong Marcos kaiba kay Duterte
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. met with the Filipino community at the New Jersey Performing Arts Center on Sunday (Sept. 18, 2022).
Photos by Office of the Press Secretary

MANILA, Philippines — Nakakuha umano ng aral si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa “bloody drug war” ni dating Pa­ngulong Rodrigo Duterte kaya’t iibahin naman niya ang paglaban sa droga ng kanyang administrasyon.

Isa rito na titingnan ng kanyang administrasyon ang politika sa giyera sa iligal na droga, partikular ang sindikato na nasa likod nito.

Ito ang sinabi  ni Pangulong Marcos sa Asia Society forum sa Manhattan, New York na kinikilala niya ang kahalagahan ng anti-drugs program ng bansa.

Sinabi nito na “close to 4 and a half million” ang sinasabing drug addicts sa Pilipinas.

“As I come into office, you see, you cannot stop the drug war. The problem continues to exist. What we can do is to ­examine and learn lessons, from the expe­rience of the past administration,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay dating Australian Prime Minister Kevin Rudd sa isang panayam.

Matatandaan na sa mga nakalipas na talumpati ng Pangulo ay palagi nitong sinasabi na ang kanyang drug war ay nakatuon sa rehabilitasyon.

Aniya, “The enforcement of authorities must focus on methods that start with the young ones, let us adjust our focus and let us also look at prevention.”

“For the enforcement, look I am not interested in the kid who makes P100 a week selling weed, that is not the person I want you to go after,” ang wika ng Chief Executive.

Kaugnay nito, kailangan din aniyang tingnan ang chain o tanikala ng drug supply sa bansa upang sa gayon ay matunton nila ang ugat ng problema.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with