^

Police Metro

Mag-ama utas, 17 sugatan sa ten wheeler truck

Joy Cantos - Pang-masa
Mag-ama utas, 17 sugatan sa ten wheeler truck
Kinilala ang nasawing mag-ama na sina Diama­loden Makasaehe, 28; at anak nitong si Jannaiden, 4-anyos. Habang ang 17 nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.
File

MANILA, Philippines — Isang mag-ama ang nasawi habang 17 iba pa ang malubhang nasugatan matapos na suwagin ng isang ten-wheel truck ang ilang behikulo sa karambola ng sasakyan sa national highway ng bayan ng Tupi, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing mag-ama na sina Diama­loden Makasaehe, 28; at anak nitong si Jannaiden, 4-anyos. Habang ang 17 nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang malagim na sakuna sa kahabaan ng highway ng Brgy Cebuano, Tupi ng lalawigang ito.

Kasalukuyang minamaneho ng driver  na si Albert Zambrano ang ten-wheel truck nang mawalan ito ng preno bunsod upang suwagin ang mga sasakyan sa highway kabilang ang tricycle na minamaneho ni Diamaloden na ikinasawi  nito at ng kaniyang anak.

Bukod sa tricycle ay nasa 14 pang behikulo ang inararo ng truck na nagresulta sa pagkasugat ng 17 pang mga biktima.

Isinailalim na sa kustodya ng pulisya si Zambrano na ngayon ay nahaharap sa kasong double homicide at 17 counts ng serious physical injuries gayundin ang damage to property bunga ng insidente.

Namahagi naman ng pinansyal na ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktimang naka-confine at patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with