^

Police Metro

Pagtatayo ng mga classroom ipaubaya sa mga LGUs

Malou Escudero - Pang-masa
Pagtatayo ng mga classroom ipaubaya sa mga LGUs
“Naniniwala akong magiging epektibo kung ang kalahati ng pondo ay mapupunta sa DepEd, at sa LGU naman ang kalahati. Kung ibibigay sa LGU ang responsibilidad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan, sabay-sabay na maipapatayo ang mga ito,” mungkahi ni Senador Gatchalian.
Philstar.com / Stock

MANILA, Philippines — Ibigay na sa mga local government units (LGUs) ang responsibilidad nang pagpapatayo ng mga silid-aralan upang matugunan ang kakulangan nito sa buong bansa.

“Naniniwala akong magiging epektibo kung ang kalahati ng pondo ay mapupunta sa DepEd, at sa LGU naman ang kalahati. Kung ibibigay sa LGU ang responsibilidad ng pagpapatayo ng mga silid-aralan, sabay-sabay na maipapatayo ang mga ito,” mungkahi ni Senador Gatchalian.

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Finance ukol sa panukalang 2023 National Expenditure Program (NEP), binigyang diin ng Chairman ng Se­nate Committee on Basic Education ang walang katapusang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Gamit ang datos mula sa Department of Education (DepEd), iniulat ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na buhat noong Disyembre 31, 2021 ay 191 pa lang na classrooms ang naipatayo at may tinatayang labinlimang libong mga silid-aralan ang patuloy na ipinapatayo mula pa noong 2014. 

Iniulat din ng Kalihim ng DBM na noong nakaraang 2021, ang obligation rate ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagpapatayo ng mga school buildings ay nasa siyamnapu’t dalawang (92) porsyento ngunit nasa apatnapu’t limang (45) porsyento lamang ang disbursement rate.

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with