^

Police Metro

Bus timer inilagay ng DOTr sa EDSA Busway stations

Mer Layson - Pang-masa
Bus timer inilagay ng DOTr sa EDSA Busway stations
Commuters avail free rides as part of the “Libreng Sakay” program at the Monumento EDSA carousel bus station in Caloocan City on Saturday, Aug. 6, 2022.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nilagyan ng Department of Transportation (DOTr) Road Sector, sa tulong ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA), ng mga bus timers ang nasa 13 istasyon ng EDSA Busway.

Ayon sa DOTr, layunin nang pagkakabit ng mga bus timer ay mapadali at mas maisaayos ang sistema ng pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa EDSA Busway.

Nabatid na bawat bus timer ay mayroong tatlong aspects signal lantern na may two-digit timer, pole, at lighting.

Mayroon din itong traffic signal local controller na may kasamang detector card at loop detectors.

Nakalaan ang 30-second maximum time para sa bawat bus unit na magsasakay at magbababa ng pasahero sa mga nasabing istasyon.

Otomatiko naman itong mare-reset sa pagdating ng kasunod na bus.

Sinabi ng DOTr na maaari pa ring i-calibrate ang mga bus timer at baguhin ang maximum time, base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) at ng MMDA.

Anang DOTr, operational na ang mga naturang bus timers sa mga istasyon ng Monumento MCU; Bagong Barrio; Balintawak; Muñoz; North MRT Station; Quezon Avenue MRT Station; Q-Mart; Main Avenue; Ortigas MRT; Guadalupe MRT; Buendia; Taft Avenue; at Roxas Boulevard.

DOTR

EDSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with