^

Police Metro

Tapyas-presyo sa langis simula sa Martes

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tapyas-presyo sa langis simula sa Martes
Batay sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, inaasahang magbababa ang fuel firms ng per-liter prices ng diesel ng P1.20 hanggang P1.30 simula sa Setyembre 27.
STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng panibagong bugso ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula sa Martes.

Batay sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, inaasahang magbababa ang fuel firms ng per-liter prices ng diesel ng P1.20 hanggang P1.30 simula sa Setyembre 27.

Inaasahan namang bababa ang presyo ng gasolina ng P1.50 hanggang P1.60 kada litro, habang hindi naman binanggit ng Unioil ang estimated adjustments para sa presyo ng kerosene.

Nitong linggo ay nagkaroon ng tapyas-presyo sa per-liter prices ng diesel ng P4.15 at kerosene prices ng P4.45.

Samantala, simula sa Oktubre 3, ang base fares para sa mga jeep at iba pang uri ng public transportation ay magtataas ng P1 hanggang P5 dahil sa paggalaw ng presyo ng langis.

OIL PRICE ROLLBACK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with