^

Police Metro

PWD ID, inihihirit na gawing permanente na

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinirit ni Quezon City 5th District Councilor Alfred Vargas sa mga local government units (LGUs) na gawing lifetime o panghabangbuhay na ang validity ng mga identification card (ID) ng persons with disability (PWD) o may kapansanan.

Ayon kay Vargas, hindi dapat ipagkait sa mga may kapansanan ang mga benepisyong ibinibigay sa kanila ng batas dahil lamang hindi nila na-renew and kanilang mga ID card.

Dahil dito, naghain ng ordinansa ang konsehal na maaaring gawing halimbawa ng ibang bayan at lungsod.

Sinabi pa ng konsehal na habang nauunawaan niya na ang paglalagay ng validity period ay isang safeguard para tiyakin na tanging mga kwalipikado lamang na residente ang makakakuha ng benepisyo, may mga kapansanan na ayon naman sa siyensya at medisina ay hindi nawawala o nababago sa loob ng validity period ng mga PWD card.

Sa panukalang ordinansa nito ang City Health Department ay kokonsulta rin sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) upang gumawa ng listahan ng mga kapansanan na maituturing na permanente o pangmatagalan.

PWD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with