^

Police Metro

DILG memo vs Traffic enforcers’ kinontra!

Danilo Garcia - Pang-masa
DILG memo vs Traffic enforcers� kinontra!
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna­, may awtoridad ang May­nila na mangumpiska ng mga dri­ver’s license alinsunod umano sa kapangyarihan na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan ng Local Government Code.
File

Pangungumpiska ng lisensya, tuloy sa Maynila

MANILA, Philippines — Sa kabila ng inilabas na memorandum ng Department of the Inte­rior and Local Government (DILG) na nagbabawal sa mga traffic enforcers na manghuli ng mga lumala­bag sa batas trapiko, kinon­tra ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila at sinabing patuloy silang manghuhuli at mangungumpiska ng driver’s license sa ilalim ng umiiral nilang ordinansa.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Mayor Honey Lacuna­, may awtoridad ang May­nila na mangumpiska ng mga dri­ver’s license alinsunod umano sa kapangyarihan na ibinibigay sa mga lokal na pamahalaan ng Local Government Code.

“Ayon sa Local Govern­ment Code, malinaw na may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na bumalangkas ng mga batas patungkol sa pagsasaayos sa trapiko sa loob ng kanilang lungsod, kasama rito ang kapangyarihang manita, manghuli, at mag-confiscate ng lisensya,” ayon kay Abante.

Sa Memorandum na may petsang Setyembre 14, 2022 na pirmado ni DILG Secretary Benhur Abalos, ipinaalala niya sa mga lokal na pamahalaan na tanging mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at mga “deputized agents” la­mang nito ang maaaring mangumpiska ng lisensya.

“The LGUs can issue traffic citation tickets but only the LTO and their de­­putized agents can confiscate driver’s licenses,” nakasaad sa memo.

Sinabi ni Abante na iginagalang naman nila ang polisiya na inilabas ng DILG ngunit kailangan nilang ipa­tupad din ang kanilang lokal na batas trapiko na nasa ilalim ng Ordinance No. 8092 o ang Traffic Code of the City of Manila.

Makikipag-ugnayan naman umano si Mayor Lacuna kay Abalos upang bigyang-linaw ang isyu. 

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with