^

Police Metro

Marcos at Biden nagpulong na, relasyon ng PH-US mas pinatatag

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Higit pang pinatatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos matapos na maisakatuparan ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at United States President Joe Biden kamakalawa.

Sa kanilang bilateral meeting na ginanap sa Intercontinental Hotel sa New York City, tiniyak ni Pangulong Marcos kay US President Biden na nanatiling kaibigan, kaalyado at kasosyo ng Pilipinas ang Amerika,

“We are your partners, we are your allies, we are your friends. And in like fashion, we have always considered the United States our partner, our ally and our friend,” ani Marcos kay Biden.

Sinabi rin ni Marcos na ang relasyon ng dalawang bansa ay mahigit na sa 100 taon at patuloy na umuunlad sa kabila ng hamon ng bagong siglo at iba’t ibang mga kaganapan.

Sinabi pa ni Marcos na ang Pilipinas ay masuwerte na ma­panatili ang napakatagal at malakas na relasyon nito sa US.

Sa tala, mahigit sa apat na milyong Pilipino ang kasalukuyang nasa US, habang halos 300,000 Amerikano, kabilang ang malaking bilang ng mga beterano ng militar ng US ay nakatira naman sa Pilipinas.

Nagpahayag naman si Biden ng layunin na palawakin ang bilateral na kooperasyon ng US sa Pilipinas sa lara­ngan ng seguridad sa enerhiya at renewable energy.

Tinalakay din ng dalawang lider ang isyu sa South China Sea, Russia-Ukraine crisis, pagtaas ng presyo ng enerhiya at pagkain, at kahalagahan ng paggalang sa karapatang pantao

Samantala, ibinida ni House Speaker Martin Romualdez na kabilang sa delegasyon ni Marcos sa US, na nakasisiguro na ang pamahalaan na higit na tatatag ang bila­teral partnership ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng economic, defense, cultural at investment cooperation matapos ang naturang pulong ng dalawang lider ng bansa. - Joy Cantos

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

JOE BIDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with