^

Police Metro

P60 flag-down rate hiling ng taxi groups

Mer Layson - Pang-masa
P60 flag-down rate hiling ng taxi groups

MANILA, Philippines — Hindi umano sapat ang ipinatupad na P5 dagdag sa flag-down rate para sa mga taxi at mga transport network vehicle services (TNVS).

Ito ang inihayag ni Philippine Na­tional Taxi Operators Association Pre­sident Atty. Jesus Manuel Suntay, kaya’t umaapela sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gawin itong P60.

Ang hinihinging P60 flag-down rate ay upang matulungan umanong makaagapay sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo sa bansa kung saan ang P5 dagdag ay nanganga­hulugan lamang ng karagdagang P100 sa average na 20 pasaherong maisasakay ng mga taxi kada araw.

“Tumaas ng P30 kada litro ang presyo ng gasolina. At an average of 40 liters a day, P1,200 ang nadagdag sa gastusin ng mga drayber. Ang binigay ay P100 lang. Ang magiging suma, abonado pa ng P1,100 ‘yung mga drayber,” pahayag ni Suntay.

Ang panukalang P60 flag-down rate ay base sa kasalukuyang presyo ng krudo, gayundin sa average na rami ng litro ng gasolina na kanilang gagamitin at bilang ng pasahero na maaari nilang isakay kada araw.

LTFRB

TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with